MENU

MGB MIMAROPA nagbigay parangal

Kinilala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) MIMAROPA Region ang mahahalagang kontribusyon ng #WonderJuanas sa gitna ng pandemya sa isinagawa nitong taunang Gender and Development (GAD) Program: "Juana Laban sa Pandemya: Kaya!," via Zoom application, Marso 17.

Ibinahagi ni Dr. Gladys Desiderio, Medical Officer IV ng City of Manila Health Department, ang karanasan ng kababaihang frontliners na kabilang sa mga patuloy na humaharap at nakikipaglaban sa mga hamon ng pandemya. Tinugunan din ni Dr. Desiderio ang mga katanungan at iba pang impormasyon kaugnay ng mga bakuna upang labanan ang COVID-19.

Samantala, iginawad ng MGB MIMAROPA Region GAD Focal Point System sa Berong Nickel Corporation (BNC), isang minahang may operasyon sa bayan ng Quezon, Palawan, ang 2021 Gender Sensitive Mining Company in the MIMAROPA Region para sa kanilang pagtataguyod ng gender equality at women empowerment sa "male-dominated" na industriya ng pagmimina.

Pinarangalan din bilang 2021 Most Empowered Women in Mining in the MIMAROPA Region sina Bb. Deborah Arquio, Officer-in-Charge ng BNC Community Relations Department, at Bb. Rofely Saldajeno, hydraulic excavator operator ng BNC, bilang pagkilala sa kanilang natatanging husay at dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin sa kanilang propesyon at komunidad lalo na sa panahon ng pandemya.

 

MGB MIMAROPA nagbigay parangal 2